Christian Tumblr Themes

Text Post Wed, Jan. 04, 2012 5 notes

T.L. AKO SA’YO.

Ewan ko ba bakit type kita, di ka naman guwapo.
Kahit malabo ang pagpili ko, T.L. ako sayo.
Panay kantyaw pa nga ng utol ko
Dehins ka raw bagay sa kagandahan ko
Malabo nga ba raw ang mata ko at na-T.L. sayo. 

Oo nga naman, hindi ka guwapo pero baket ba kilig na kilig ako sayo? hahaha! XD

Nung isang araw, inaasar ako ng mga kapatid ko, di daw ako marunong pumili, kesyo hindi daw siya guwapo, payatot, maliit, mukhang butiki at kung ano ano pa. At nabadtrip talaga ako sa mga kapatid ko. Tapos tiningnan ko yung FB niya, oo nga, parang tama yung sinasabi nila..hahaha! XD Hindi siya guwapo, hindi nga siya yung tipo ko ng lalaki eh, pero ewan ko ba kung baket ako kinikilig sa kanya, and take note, yung kilig ko eh hindi kilig pambata, yung kilig pang-matured na..hahaha! XD Teka, pano ba ang kilig pang-matured? wahahahaha! XD Basta yung hindi mababaw na kilig, yun na! :))

Sobrang layo talaga sa pinangarap ko, in layman’s term, hindi siya boyfriend material gaya nung mga crush ko..haha! Wula siyang 8-pack abs, biceps and triceps na hulmado, hindi siya matangkad an inch or two lang ata tangkad niya saken ihh..hahaha! XD tapos hindi siya masarap tingnan, nakakaumay na nga pag matagal ihh..bwahahahaha! Owkay, ang sama ko.. XD Basta, hindi siya ang pinapangarap kong prinisipe. Pero asar-talo ako nung nilalait siya ng mga kapatid ko, at nasaktan ako. Napaisip nga ako bigla eh, gaano ba kaimportante ang panlabas na anyo? E ano naman kung hindi siya boyfriend material? Ano naman kung hindi siya yung dream guy ko? E kung siya kasi ay husband material na at siya naman talaga ang nakatadhana para saken, may magagawa pa ba ako? Wala naman na diba? Haha.

Seriously speaking, I’ve realized that God doesn’t give you what you want, but what you need. Siguro minsan ibibigay Niya yung gusto naten, according sa will Niya pero most of the time, He will give us what we need. Real beauty comes from within, it comes from the heart. At yun na nga siguro ang nakabihag sa puso ko, yung puso niya, puso niya para sa Diyos. Nakaka-amaze lang na makilala ko ang gaya niya, isang lalaking mas mahal at mas importante si God kesa sa nararamdaman niya. Yun na nga siguro, yun na nga siguro ang dahilan baket ako kinikilig sa kanya, kung baket T.L. ako sa kanya.. :)





1/1